Padaca magtutungo na sa Comelec sa Lunes

MAGTUTUNGO na si bagong talagang Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca sa Comelec headquarters upang pormal nang manungkulan sa puwesto sa Lunes.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na nakausap niya nitong Biyernes ng umaga si Padaca at nagpasabi  ito na darating na siya sa Lunes.

Ayon kay Brillantes, matagal na nilang hinihintay si Padaca dahil marami umanong bagay silang dapat na pag-usapan hinggil sa halalan.

Pinadadalo rin sana niya si Padaca sa flag raising ceremony sa Lunes ngunit nagpasabi na ito na maaaring hindi makaabot sa aktibidad.

“Sabi ko pasabi mo na lang in advance kung anong oras ka darating…. Marami tayong pag-uusapan,” ayon pa kay Brillantes.

Hindi pa naman batid ni Brillantes kung nakapanumpa na si Padaca at maaari naman sa kanya na ito manumpa.

“Kung hindi pa siya naka-take oath, pwede sa akin na,” ani Brillantes.

Nabatid na plano ni Brillantes na italaga si Padaca, na isang polio survivor, bilang head ng voters’ registration para sa indigenous people, prisoners at persons with disabilities (PWD).

Tiniyak din naman ni Brillantes na nakahanda na ang magiging tanggapan ni Padaca sa ikawalong palapag ng Comelec.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply