Padaca naghain ng not guilty plea sa graft charges

NAGHAIN ng not guilty plea si dating Isabela governor at ngayon ay Comelec Commissioner Grace Padaca sa 4th Division ng Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap niyang graft charges.

Sa ulat sa radyo ngayong umaga, sinabi na humarap sa arraignment si Padaca upang payagan na makabiyahe sa ibang bansa.

Sa ilalim ng batas, hindi pinahihintulutang makabiyahe sa ibang bansa ang isang akusado na hindi pa naisasailalim sa arraignment.

Hiniling ni Padaca na makabiyahe sa ibang bansa matapos maimbitahang dumalo sa international conference para sa US elections sa Nobyembre 4-7 sa Washington DC.

Pinayagan naman ng Sandigan ang hirit ni Padaca nang makapaglagak ng P140,000 travel bond.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply