Padaca umapela sa Sandiganbayan

UMAPELA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca sa Sandiganbayan na ipagpaliban ang arraignment ng kasong graft at malversation na isinampa laban sa kanya noong gobernador pa siya ng Isabela.

Hiniling din ni Padaca sa 5th Division ng anti-graft court na i-defer ang mga kaso hangga’t wala pang desisyon ang Supreme Court (SC) sa kanyang nakabinbing petition for certiorari.

Ang naturang petisyon ay kumokontra sa impormasyon na inihain laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Matatandaan na nitong Oktubre 4 ay naghain ng P70,000 na piyansa si Padaca para sa mga kaso dahilan upang mabinbin ang kanyang arrest warrant at itakda bukas (Oktubre 18) ang pagbasa ng sakdal.

Una nang inamin ng dating gobernador na nagmula ang piyansa kay Pangulong Noynoy Aquino na nagtalaga sa kanya sa poll body.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply