Pag-aapura na ipasa ang 2013 nat’l budget para sa halalan, itinanggi

ITINANGGI ngayon ng House Committee on Appropriations na minadali ang mahigit 2 trillion national budget para sa 2013.

Nauna rito, lumabas ang mga balitang minadali ang pagpasa sa National Budget para sa 2013 upang magamit ng mga opisyal na kakandidato para sa 2013 Elections.

Ayon kay Cavite Rep. Jun Abaya, pinuno ng House Committee on Appropriations, mahalagang naka-schedule ang pag-aapruba sa General Appropriations Bill of 2013 upang maiwasan ang hindi tamang paggamit ng nasabing pondo.

Bukod rito, sinabi ni Abaya na naghigpit sila sa paggastos ng mga Kongresista ng kanilang pork barrel at hindi rin tinaasan ang kanilang congressional fund.

Nabatid na pinakamalaking pondo na inilaan para sa 2013 National Budget ay sa Department of Education (DepEd) na sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of National Defense (DND).

Umabot naman sa 13 billion ang annual fund na inilaan para sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply