Pag-abolish ng SK, pinagtatalunan sa Zambo Norte

MAGKAKAHIWALAY na opinyon ang ipinahayag ng mga residente ng lungsod ng Dipolog at buong lalawigan ng Zamboanga del Norte kaugnay sa isyung pag-abolish ng Sanggunaing Kabataan (SK).

Sa pahayag ni Barangay Sta. Isabel SK Chairwoman Myka Diose Mae Endab ng Dipolog,  na hindi siya pabor sa naturang plano ng ilang mga opisyal ng gobyerno dahil sila mismo sa kanilang barangay nag-function sa kanilang trabaho bilang mga Sangguniang Kabataan officials.

Mayroon namang pabor na i-bolish na ang SK dahil masyado na itong na-politicized at sa murang edad ng mga kabataan naiimpluwensyahan na sa pamumulitika.

Bukod pa umanong napopolitika ang kabataan, natututo na rin ang mga ito na masangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Matatandaan, na mayroong ilang opisyal ng gobyerno na nagplanong i-abolish na ang SK.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply