Pag-aresto sa lider ng anti-mining group sa Cagayan, pinabulaanan

MARIING pinabulaanan ng National Bureau of Investigation (NBI) na sapilitan nilang dinampot si Esperlita Garcia, ang leader ng anti-mining group sa Cagayan.

Ipinaliwang ni Cagayan NBI Dir Atty. Hector Viologo, walang naganap na panghaharass kay Mrs. Garcia dahil sumunod lang sila sa kautusan ni Aparri Regional Trial Court Judge Conrado Tabaco na ihain ang ipinalabas nitong warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay Viologo, binigyan naman nila ng pagkakataon si Mrs. Garcia na basahin ang nilalaman ng warrant bago ito arestuhin.

Una nang sinabi ni Garcia na sapilitan itong binitbit ng mga operatiba ng NBI at may naganap na panghaharass.

Ang pag-aresto kay Garcia ay nag-ugat sa isinampang kaso ni Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes laban sa kanya matapos itong magpost sa kanyang Facebook page na may kaugnayan sa isyu ng pagmimina sa kanilang lugar.

Kaya naman hinala ni Garcia may kinalaman si Mayor Pentecostes sa nasabing pag-aresto.

Kinuwestyon din ni Garcia ang pinagbatayan ng pagpapalabas ng warrant of arrest sa kanyang ang probisyong online libel sa Anti-Cybercrime Act of 2012 gayong isinampa ang kaso noong 2011 pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply