Pag-atras ni de Venecia sa UNA no effect

WALANG epekto sa United Nationalist Coalition (UNA) ang pag-atras ni Jose ‘Joey’ de Venecia III sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Ito ang inihayag ni dating Senador Juan Miguel Zubiri, isa sa senatoriables ng UNA.

Ayon pa kay Zubiri, dahil sa pag-atras ni de Venecia ay hanggang sa Biyernes pa malalaman kung sino ang kukumpleto sa UNA senatorial slate.

Aniya, isa sa kanilang ikinukonsidera ay si Nancy Binay, panganay na anak ni Vice President Jejomar Binay ngunit tinututulan naman ito ng ikalawang pangulo.

Samantala, sinabi naman ni Zubiri na kung papalarin ay handa siyang makasama muli kung sakali sa senado ang re-electionist na si Senador Koko Pimentel.

Ayon kay Zubiri, wala namang problema dahil wala rin siyang sama ng loob kay Koko.

Nauna rito, umatras si de Venecia sa kaniyang kandidatura, dahilan upang magkulang ang senatorial line-up ng UNA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply