Pag-freeze sa bank accounts ng website syndicate, pinanindigan ng CA

PINANINDIGAN ng Court of Appeals ang naunang desisyon na pigilin ang mga bank account ng isang international website syndicate na tinawag na “Mega Conspiracy.”

Batay sa 4-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Florito Macalino, ibinasura ng CA Former Second Division ang motion for reconsideration na inihain ng mga respondent na sina John Paul Lo at Dahlia Teng Lo ng Megateam Corporation, isang Business Process Outsourcing sa Fort Bonifacio Global City.

Ang Mega Conspiracy ay nagpapatakbo ng internet website na www.megaupload.com at inaakusahang sangkot sa iligal na paggawa at pamamahagi ng copyrighted works na paglabag sa batas sa Estados Unidos.

Hinihinala ring sangkot ang mega conspiracy sa pag-launder ng mahigit 500  milyong dolyar na halaga ng pera sa buong mundo, at paglilipat ng 125 milyong dolyar sa criminal proceeds.

Nauna nang nagpalabas ng freeze order ang CA noong March 26, 2012 laban sa mga bank account  at lahat ng web accounts na konektado sa Megateam at sa mga pangalang Kim Schmitz, John Paul Lo at Dahlia Teng Lo.

Napalawig pa ang freeze order ng dalawang beses hanggang noong ika-13 ng Setyembre, 2012.

Kasunod nito, naghain sina John Paul at Dahlia Teng ng Motion for Reconsideration noong Agosto pero ibinasura ng CA dahil mayroong probable cause para sabihing sangkot ang mga nasabing bank account sa mga iligal na aktibidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply