Pag-like sa FB hindi prayoridad sa Cybercrime Law – DOJ

HINDI pakikialaman ng Department of Justice at hindi nila prayoridad ang tingnan pa ang social networking sites kabilang na ang Facebook at Twitter kaugnay sa online  libel provision ng kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act.

Base sa pahayag ni DOJ Asec Geronimo Sy sa forum ng DOJ at Department of Science and Technology (DOST) na isinagawa sa Landbank Plaza sa Malate, Maynila,  hindi nila prayoridad  ang tingnan pa ang mga nagla-like, nagpo-post at nagko-comment sa mga  naturang social networking sites.

“As a matter of priority, let me say it on my lawyer’s oath, blogging, individual comments, tweeting, boyfriend-girlfriend discussions – those are not the priorities of the Department of Justice.”

“It is very difficult as it is to catch fugitives from justice, what more individual tweets and individual likes. So let’s manage our expectations. Let the law work, see how can we manage the new law.”

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Sy na hindi totoo ang kumakalat na balitang papatawan ng 12-taong kulong ang ipapataw na parusa sa mga lalabag sa naturang batas.

Bagkus, apat hanggang walong taon lamang na pagkakakulong at pagmumultahin ng halagang P600 hanggang P6,000 ang ipapataw sa mga lalabag.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply