Pag-phase out sa LPG taxis pag-aralan muna

KAILANGANG pag-aralan munang mabuti ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan kung dapat na ngang i-phase out ang paggamit ng LPG sa taxi dahil sa epekto nito sa kalusugan ng mga driver at pasahero.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang Department of Health (DoH) ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa bagay na ito kaya’t dapat lamang na pag-ukulan ng pansin.

“Ang primary concern po talaga ng Department of Health ay ‘yung pangkalusugan ng publiko. Pagdating po doon sa… Pinag-aaralan pa naman po din nila ‘yung findings na ‘yan kung ano ho ba talaga ‘yung problema, kung ang problema po ba ay ‘yung mismong converter kit,” anito.

Aniya, problema talaga na substandard lamang ang gamit na ginagamit para sa coverter kit na dahilan upang magbunga ng masamang epekto ang paggamit ng LPG sa taxi drivers at pasahero nito.

“Oo, ‘yung kit po ba mismo o dahil hindi name-maintain, dahil substandard ‘yung gamit na ginagamit. So tinitingnan pa naman po nila. Naglabas lang po ng warning ang DOH dahil primarily ‘yon nga po concern din po sila doon sa mga kalusugan nung ating mga taxi driver,” ani Usec. Valte.

Sa kabilang dako, binigyang diin ni Usec. Valte n suportado nila ang pahayag na ito ng DoH lalo pa’t mandato nito na pangalagaan ang kalusugan ng sambayanang Filipino.

“Yon din naman po talaga ang mandato ng DOH ngunit meron din pong sa aming pagkakaintindi, of course, meron pong concerns ‘yung taxi drivers and operators po natin, kailangan pa hong pag-aralan pa moving forward,” ayon sa opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply