Pagadian City hall binulabog ng bomb threat sa text

BINULABOG na ng kumakalat na text message sa buong siyudad ng Pagadian na bobombahin ang city hall dahil sa na-invest di umanong P26 million mula sa Marawi city.

Ayon sa text, may tangka di umanong bombahin ng ilang mga taga-Marawi ang city hall ng Pagadian pati na ang City Commercial Center dahil sa hindi pa nababayarang investment scam na naibigay nila sa operasyon sa barangay Kawit sa pamumuno ng isang Fernando at Nimfa Luna.

Subalit, wala namang kumpirmasyon ang naturang mga mesahe mula sa mga awtoridad ngunit hindi naman sila nagsasawalang bahala sa naturang
mga ikinakalat na text.

Matatandaang nagdulot ng matinding gulo sa siyudad ang pagdating ng Aman Investment matapos di umanong mawala ang nag-ooperate nito na sina Fernando at Nimfa Luna na hindi pa nababayaran ang mga investors.

Nangako naman ang pamahalaang lokal sa pamamagitan ni Mayor Sammy Co na tutulungan nito ang mga investors na mabayaran at pananagutin ang mga nanloko sa mga tao di lang mga taga Pagadian.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply