Pagbabalik Pinas ni Calungsod, PNP naka-alerto

NAKA-ALERTO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nakatakdang pagbalik sa Pilipinas ng imahen ni San Pedro Calungsod sa Miyerkules, Oktubre 24.

Batay sa ulat, ililibot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang imahen ng bagong Santong Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., walang patid ang gagawing pagpa-patrolya ng mga pulis para matyak na walang magaganap na anumang karahasan habang ipinakikilala sa mga Pilipino
ang bagong santo.

Aminado naman si Cerbo na mayroong ilang grupo na posibleng samantalahin ang okasyon at tatangkaing guluhin ito.

Pero nakahanda na umano sila na tugunan ang pangangailangan sa seguridad ng paglilibot ng imahe ni San Pedro Calungsod sa buong bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply