Pagbabawal sa live interview sa SC, ipinagtaka ni de Lima

PALAISIPAN ngayon ni  Justice Secretary Leila de Lima ang naging desisyon ng kanyang mga kasamahan sa Judicial and Bar Council (JBC) ang hindi na pagpapahintulot na isapubliko ang live interview sa mga kandidato sa nabakanteng puwesto sa Korte Suprema.

Nilinaw ni de Lima na wala siya sa naganap na pagpupulong ng mga miyembro ng JBC noong Oktubre 1 kaya hindi nito alam at siya ay nagtataka sa naging desisyon ng mga kasamahan.

Ayon kay de Lima, sa susunod nilang pagpupulong ay kanyang tatanungin ang dahilan sa pagbabawal ng live telecast.

Matatandaang si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay sumalang din sa live interview bago tuluyang italaga ng Pangulong Benigno Aquino na Chief Justice bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency sa hudikatura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply