Pagbabawal sa live media coverage, binawi ng JBC

KUMAMBYO ngayon ang Judicial and Bar Council o JBC kaugnay sa live media coverage ng gagawing public interview sa mga nominado para sa pagka-Associate Justice ng Korte Suprema na magsisimula bukas ng hapon.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, Ex-Officio Member ng JBC, payag na ang lupon na gawing bukas sa live media coverage ang panayam.

Nauna nang napagkasunduan ng JBC sa kanilang pulong noong October 1, na hindi gagawing bukas sa live media coverage ang panel interview.

Sinabi ni De Lima na wala kasing media network na nagpahayag ng interes para sa live coverage ng panayam kaya hindi iyon pinayagan noong una.

Pero sa kanilang pulong kaninang tanghali, nagpasya umano ang mga miyembro ng JBC na baguhin ang naunang desisyon bilang pagtalima sa prinsipyo ng transparency.

Iyan ay kung may media outfit umano na hihiling ng live coverage kung saan ipatutupad naman ang kaparehong panuntunan na ipinatupad sa live coverage ng mga nominado para sa pagka-punong mahistrado.

Ibig sabihin, isang camera lamang mula sa isang government network ang papayagan sa loob ng silid kung saan idaraos ang panayam, at duon na lamang maghu-hook up ang iba pang himpilan ng media.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply