GMA ihaharap ng VMMC sa arraignment sa Lunes

TINIYAK ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na tatalima sila sa kautusan ng Sandiganbayan na dalhin sa Lunes, Oktubre 29 si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng gagawing pagbasa ng sakdal dito sa kasong plunder.

Ang nasabing kaso ay may kinalaman umano sa maanomalyang paggamit ng P366 milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng dating Pangulo.

Sa ulat sa radyo, ayon kay VMMC Director Nona Legaspi, pinadalhan na sila ng direktiba ng Sandiganbayan at inuutusan silang iharap si dating Pangulong Arroyo sa korte.

Bilang tugon at pagrespeto sa korte ay susundin aniya nila ang kautusan at ihaharap ang mambabatas sa kabila ng kalagayang pangkalusugan nito.

Una nang inihayag ng Sandiganbayan na walang special arrangement na inihahanda para sa inaasahang pagpunta roon ng dating Pangulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply