Pagbasa ng sakdal kay Morato, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

IPINAGPALIBAN ng Sandiganbayan ang arrignment ni dating Philippine Charity Office (PCSO) Chairman Manoling Morato kaugnay kasong plunder kasama si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang pagpapaliban ay nang inilipat ni Sandiganbayan First Div. Judge Efren Dela Cruz ang pagbasa ng sakdal sa Nobyembre 22.

Naghain ng petisyon ang kanyang abogado na humihiling na i-reset ang pagbasa ng sakdal dahil sa sumalang si Morato sa triple bypass surgery noong Oktubre 22.

Sinabi ni Ma. Adelaida Dy, Internal Medicine at Cardiologist ni Morato sa St. Luke’s Medical Center na noon pang Oktubre 4 naka-confine si Morato dahil sa pananakit ng dibdib.

Pinayuhan din nito si Morato na magpahinga muna ng ilang linggo matapos ang operasyon na naging dahilan ng pagkakabinbin sa arraignment nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply