Pagbasa ng sakdal vs GMA sa Sandiganbayan, seguridad hinigpitan

MAS hinigpitan ngayon ng Philippine National Police ang inilatag nilang seguridad sa paligid ng Sandiganbayan at Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa nakatakdang pagbasa ngayon ng sakdal kay dating Pangulong Gloria Arroyo kaugnay sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya ngayong Lunes ng umaga.

Nagtalaga rin ang PNP ng kanilang mga ekspertong tauhan ng bomb disposal units mula sa Manila at Quezon City  sa mismong korte ng Sandigan habang ang mga tauhan naman nito ay pupuwestuhan  ang mga lugar sa pagitan ng VMMC at Sandiganbayan.

Matatandaang isinailalim sa hospital arrest  si Arroyo sa VMMC mula pa noong Oct. 4, matapos maglabasa ng arrest warrant ang  graft court kaugnay sa kanyang kasong  plunder na may kaugnay sa naganap na iregularidad sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Madalas isugod si Arroyo sa VMMC dahil sa anatomical condition nito matapos siyang payagang makapagpiyansa ng korte noong July.

Tiniyak naman ng VMMC na susunod sila sa ipag-uutos ng graft court para pasiputin si Arroyo sa nakatakdang pagbasa ng sakdal laban sa dating Pangulo ngayong araw ng Lunes.

Magtatalaga naman ng kanilang tauhan ang PNP Police Security and Protection Group na magsisilbing close-in security ni Arroyo, na tatakbong muli bilang congresswoman sa ikalawang distrito ng Pampanga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply