Pagbibigay ng trabaho, tututukan ni ex-Rep. Cynthia Villar

TUTUTUKAN ni dating Congresswoman ang pagbibigay ng trabaho partikular sa mga kababaihan sakaling magkaroon ng pagkakataong maluklok sa Senado.

Ayon kay Mrs. Villar, trabaho ang pangunahing nasa listahan ng mga programa ni ex Rep. Cynthia Villar sakaling mabigyan ng puwang na maluklok siya sa Senado.

Sinabi ni Mrs. Villar na hangad niyang mabigyan ng trabaho ang mga kababaihan para makatulong sa kanilang pamilya na nasimulan na niya ilang taon na ang nakararaan.

Samantala, nilinaw ni Gng. Villar na naka-move on na ang kanilang pamilya sa pagkatalo ng kanyang asawang si Senator Manny Villar kay Pangulong Noynoy Aquino at bilang patunay ay ang pagsama niya sa Liberal Party senatorial slate na pinamumunuan ng Pangulo.

Binigyang diin ni Mrs. Villar na ang taumbayan ang kanilang prioryoridad at walang personalan.

Nilinaw naman ni Villar na suportado nila ang mga sa tingin nila ay magagandang proyekto ng administrasyon habang handa naman silang kumontra kung sa tingin nila ay hindi maganda ang programa ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply