Pagbibitiw ni Recto, Senado ang bahala

HIHINTAYIN ng Malakanyang ang desisyon ng Senado kaugnay sa pagbibitiw ni Senator Ralph Recto bilang chairman ng Senate ways and means committee.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, internal matter ang naging hakbang ni Sen. Recto kaya’t ang mga kapwa niya senador ang dapat na magdesisyon sa usaping ito.

Nauna rito, inabandona ni Senador Recto ang kanyang puwesto makaraang makatanggap ng kaliwa’t kanang pagbatikos ang kanyang committee report sa Sin Tax Bill at inakusahan pang inayos umano ng mga lobby group ng mga kompanya ng sigarilyo.

Sinabi ni Usec. Valte na abala sila kahapon (Oktubre 15) sa paglagda ng framework agreement ng gobyerno at MILF nang pumutok ang balita sa Senado.

“At the time Senator Recto announced his resignation, we were still in the midst of the events surrounding the signing of the Framework Agreement. We await the decision of the Senate with respect to Senator Recto’s resignation as chairman of the Ways and Means committee.,” ayon kay Usec. Valte.

Samantala, no comment ang Malakanyang sa naging hirit ni Senate President Juan Ponce-Enrile na sibakin na si Presidential Legislative Laiason Officer Manuel Mamba dahil sa alegasyon nitong nagkasuhulan sa Senado.

Posibleng magsagawa ng imbestigasyon ang Senado at ipatawag si Mamba.

Tinuran naman ni Usec. Valte na hindi pa nila nakakausap si Mamba kaya wala muna silang komento.

“We have not spoken with Sec. Mamba owing to the events and thus, we withhold comment,” ayon sa opisyal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply