Pagbisita ni GMA sa puntod ng mga magulang ‘di tuloy

HINDI na tuloy si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Libingan ng mga Bayani bukas, Nobyembre 1.

Ayon kay Atty. Anacleto Diaz, abogado ni dating Pangulong Arroyo, hindi makatayo at masama ang pakiramdam ng kanyang kliyente simula pa kagabi.

Magugunitang pinayagan ng Sandiganbayan ang dating Pangulong Arroyo na makalabas ng VMMC para dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply