Pagbola ng 6/42 nabitin sa sirang makina

PANSAMANTALANG nabitin ang pagbola ng 6/42 lotto nang magka-aberya ang  makina na pumipili sa nanalong kombinasyon kamakalawa ng gabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay city.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, hindi inaasahan ang pagkakaroon ng technical problem ng makina dahil maayos naman ang unang isinagawang pagbola sa anim na kombinasyon ng 6/49 Super lotto kung saan lumabas ang kombinasyong 24-02-34-47-22-45 na may katapat na premyong mahigit P36,613 milyong piso.

Nang isagawa na ang pagbola ng 6/42 lotto na may katapat na premyong P6.601 milyong piso, maayos ang naging proseso kung saan lumabas ang unang limang kombinasyon na 02-07-28-39-11 subalit bigla na lamang namatay ang makina at nawala ang hangin na nagpapaikot sa mga bola kaya’t hindi na lumabas pa ang ika-anim na kombinasyon.

Dahil dito’y pansamantalang itinigil ng mahigit kalahating oras ang live broadcast ng pagbola sa government television upang mapalitan muna ang makina. Nang itinuloy ang pagbola, lumabas ang numerong 36 sa pinakahuling kombinasyon ng 6/42 lotto.

Sinabi ni Rojas na wala isa man sa libo-libong mananaya ang nakakuha sa lumabas na kombinasyon ng 6/42 at 6/49 lotto draw kaya’t inaasahang madaragdagan ang kabuuang premyo nito sa susunod na bolahan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply