Opening ng Masskara Festival, nakisabay sa filing ng CoCs

NAKISABAY sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga lalahok sa 2013 elections ang bagbubukas ng Masskara Festival sa Bacolod City.

Pormal na bubuksan ngayong araw ang mga food stalls o kiosk sa paligid ng public plaza at sasabayan ng grand fireworks display mamayang gabi bilang hudyat ng pagsisimula ng festivities.

Magtatagal ng 23 ang Masskara Festival at maraming aktibidad ang nakalinya tulad ng street dance parade, electric Masskara, Masskara queen at tampok din ang maituturing na pinakamahabang beer garden sa Negros Occidental.

Kaugnay nito, mahigit isang libong pulis ang ipinadala mula sa Regional Training School, Regional Public Safety Battalion, Guimaras Police Office at Negros Occidental Police Provincial Office bilang augmentation sa pagpapanatili ng peace and order sa kabuuan ng selebrasyon ng Masskara Festival.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply