Pagdinig sa kaso ni GMA hiniling ng Comelec na ipagpaliban

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) na ipagpaliban muna ang mga nakatakdang pagdinig sa kasong electoral sabotage na isinampa laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa dalawang iba pa.

Ito ay dahil sa puspusang paghahanda ng Comelec sa nalalapit na mid-term elections sa 2013.

Ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay RTC Branch 112, naghain ng ex-parte motion ang mga tagausig ng Comelec sa pangunguna ni Atty. Ma.Juana Valeza na humihiling na maitakda sa ibang petsa ang apat na nakatakda ng pagdinig.

Napag-alaman na may mga nakatakdang pagdinig sa kasong electoral sabotage laban kina Gng. Arroyo, dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. at dating Maguindanao Election Supervisor Atty. Lintang Bedol sa Oktubre 25, Nobyembre 8, 15 at 22.

Dahil abala sa nalalapit na halalan, hiniling ng Comelec na ipagpaliban muna ang mga nabanggit na pagdinig at itakda na lamang sa Enero 31, Pebrero 7, 21 at 28 sa susunod na taon.

Sinabi ni Domingo na hindi na didinigin pa ng korte ang mosyon bagkus ay hihingan na lamang ng komento ang panig ng mga abogado ni Gng. Arroyo bago magpalabas ng desisyon si Judge Jesus Mupas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply