Paggamit ng coco levy fund sa pantawid program ng gubyerno, kinokondena

KINOKONDENA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP at ng Kaisahang Pambansa ng mga Magsasaka sa Koprahan o Koprahan ang plano ng gubyernong Aquino na gamitin ang higit labing-isang bilyong piso mula sa coco levy fund para sa pantawid program.

Ayon kay Willy Marbella, pangalawang pangkalahatang kalihim ng KMP at tagapagsalita ng Koprahan, hindi nila matatanggap na gagamitin ng Department of Social Work and Development ang naturang pondo para sa ibang layunin.

Ibinase nina Marbella ang kanilang pahayag sa Poverty Reduction Roadmap for the Coconut Industry na inilabas ng National Anti-Poverty Commission na pinangungunahan ni Joel Rocamora.

Ibinubuyo umano ng gubyernong Aquino ang magkokpra na mag-aklas sa ganitong mga plano, dagdag pa ni Marbella.

Paliwanag ng lider-pesante, marapat na isauli na muna sa daang-libong magkokpra ang kanilang pera at huwag gamitin sa ibang programang hindi naman nila sinasang-ayunan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply