Paggiba sa EDSA billboards, ikinasa ng QC hall

ISINILBI ng Quezon City government sa kautusan ni Mayor Herbert Bautista, ang ‘notice of demolition’ para sa mga operators ng may six roof billboards at signages na nakatirik sa kahabaan ng EDSA dahil sa hindi pagsunod sa probisyon ng National Building Code at maging ang local permit issuance rules at regulations.

Sa six roof billboards at signages, apat dito ay gawa ng Geno Feliciano, of Okachi Neon. Ito ay ang Yokohama tire advertisement na nakatayo sa Argo Building na nasa 574 Edsa corner Barangay Socorro; ang back to back na Jolibee advertisement na nasa  Global Trade Center sa 1024 Edsa kanto ng Ramon Magsaysay; ang Union electric fan advertisement na nasa isang gusali sa may 1148 Edsa kanto ng Apolonio Samson antisa pang billboard na nasa HPI Corporation sa 1026 Edsa ckanto ng Ramon Magsaysay.

Kabilang din na inisyuhan ng demolisyon ay ang mga operators ng Ultra media, na nagmamantine ng roof billboards sa Francisco Gold II building sa Edsa kanto ng  Mapagmahal St., sa Barangay Piñahan at Wellmade/Infinity advertising, na nag-ooperasyon sa Air Asia advertisement sa may Edsa Plaza building sa Edsa kanto ng  Quezon Avenue sa Barangay South Triangle.

Makikipag-koordinasyon naman ang department of public order and safety (DPOS), sa pamamagitan ng kanilang security at investigation division, at ang department of building official, para maipatupad ang demolition order.

Naisilbi na ng city government ang pangalanawang notice of demolition sa mga kinauukulang billboard operators.

Nitong nakaraang buwan lamang, ang city government, sa pamamagitan ng department of public order and safety, ay giniba na ang roof signages at billboards at maging ang mismong istraktura na gawa ng Congressional Commercial Corporation along the Edsa – Munoz area.

Nagdudulot ang advertising signs ng panganib sa buhay at maging sa mga ari-arian na ikinasa sa mga ilog at roads-right-of-way na kasama rin sa demolition order.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply