Paghahain ng petisyon sa SC, pinag-iisipan ng kampo ni CGMA

IKINUKUNSIDERA ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema.

Ito’y upang kuwestiyunin ang findings ng Office of the Ombudsman na nagresulta sa pagsasampa ng plunder case laban kay Ginang Arroyo.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, legal spokesperson ng Pampanga congresswoman, maari rin silang umapela sa Sandiganbayan na makapagpiyansa muli ang dating pangulo.

Ayon kay Lambino ito ay sakaling mapatunayang mahina o walang basehan ang plunder case laban ng mambabatas.

Ang naturang kaso ay kaugnay sa umano’y maling paggamit ng dating punong ehekutibo sa mahigit P360-M fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply