Paghanda sa Undas

MAUUNA na po ako sa pagbati ng Happy Halloween! Sa mga pupunta sa mga sementeryo o columbarium sa Metro Manila at lalo na sa mga malalayong lalawigan ay dapat maghanda po tayo para maiwasan ang anumang aberya sa kalsada. Malamang ay sa Miyerkules pa lang ay magsisikip na ang mga daanan maging ang mga expressway kaya naman nais kong magbigay ng mga kaunting paalala sa inyong lahat. Ito’y halos pareho sa aking isinulat noong Disyembre ng nakaraang taon ma may pamagat na Christmas Rush Tips.

1. Una, bilhin na ang mga kandila at bulaklak isang araw bago tumungo sa sementeryo o columbarium. Bumili na rin ng mga inumin at light snacks.

2. Sa araw ng pag-alis ay siguraduhing nakagamit na tayo ng banyo. Mahirap na abutan sa gitna ng kalsada dahil sa trapik.

3. Magbaon din ng tubig o coolant para sa radiator at basic tools tulad ng tire wrench at tire jack. At siyempre siguraduhing may hangin ang ating spare tire.

4. Siguraduhing may sapat na krudo o gasolina ang iyong sasakyan. Mas maganda kung gagawin natin ito isa o dalawang araw bago ang biyahe.

5. Pag-ipit na sa trapik ay huwag makipagsabayan sa pagbubusina. Hindi ito makatutulong sa pagluwag ng trapik. Ito’y maaring makairita sa ibang motorista na baka pagmulan pa ng away at mauwi sa road rage.

6. Iwasan ang pagtahi ng kalsada o ang pagpapalit-palit ng ating lane. Nag-aaksaya lang tayo ng krudo o gasolina. Sa masikip na trapik ay halos pare-pareho lang ang daloy ng mga ito.

7. Kung may gustong sumingit sa ating harapan ay padaanin na natin kesa makipaggitgitan pa. Hindi naman malaking kalamangan ito sa kanya. Usad pagong pa rin naman tayong lahat. Kadalasan ng mga banggaan ay sanhi ng hindi pagbibigayan sa kalsada.

8. Sa gitna ng trapik, kahit gaano man katagal ay panatiliing maganda ang iyong disposisyon. Makinig sa radyo o sa iyong iPod kung meron. At kung may kasama ka naman sa sasakyan ay mas maganda dahil marami kayong puwedeng pagkwentuhan pampalipas ng gutom o pagkabagot.

9. Huwag na po tayo magdala ng mga alcoholic beverage tulad ng beer, gin, at iba pang uri ng alak. Bawal rin po ang mga deadly weapon. Sa ibang lugar ay ipinagbabawal rin po ang pagsugal.

10. Panghuli ay panatiliing maaliwalas ang ating pag-iisip para naman maging masaya at kaaya-aya ang ating byahe.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply