Pagkakanlong ng kriminal, ipinatitigil

KINONDENA ng militanteng grupo na Karapata ang militar dahil sa pagtatago at pagkanlong nila sa ilang  mga high profiled criminals sa bansa.

Ito’y matapos ang ginawang paglutang at pagsuko ng dating renegade Air force Colone at lider ng Reform the Armed Forces Movement  o RAM na si Red Kapunan matapos ang 30 taong pagtatago umano sa batas.

Si Kapunan ay itinuturong isa sa utak sa umano’y pagpaslang kay dating Kilusang Mayo Uno Chairman, Atty. Rolando Olalia, at sa driver nitong si Leonor Alay-ay noong November 1986.

“We are not surprised at all at this collusion between the military and its former ward.  The suspected perpetrators of the Cadapan-Empeno kidnapping, Lt. Col. Felipe Anotado and S/Sgt. Edgardo Osorio, were also placed under military custody instead of putting them in a civilian jail, much to our vehement objections. But we are more appalled by the inaction of the Commander–in-Chief Benigno Aquino against this highly irregular practice,” pahayag ni Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan.

Umaasa naman si Palabay na hindi matulad kay Kapunan si Gen Jovito Palparan na makaraang makanlong ng militar ay sumuko rin sa batas.

Si Palparan ang sinasabing utak naman sa pagkawala ng UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno habang nagsasagawa ng pag aaral sa kundisyon ng mga magsasaka sa Hagonoy, Bulacan noon.

“We hope Palparan will not repeat Kapunan’s act, where the latter managed to evade persecution for nearly 30 years. We suspect though that the increase to 2 million of the bounty for Palparan’s capture is just a ploy to cover up for the government’s inaction,” dagdag ni Palabay.

“But the military has kept Kapunan under its wings, instead of being turned over to civilian authorities,” sinabi pa ni Palabay.

Si  Kapunan ay nakakulong ngayon sa  Philippine Army Civil Military Unit (CMU).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply