Pagkakasa ng Bangsamoro Political entity, Kongreso bahala

IPINAUUBAYA na ng pamahalaan sa Kongreso ang gagawing pagpapatibay sa Bangsamoro political entity.

Sa pagdinig sa Kamara, aminado sina peace negotiators Marvic Leonen at
Teresita Deles na nakasalalay na ngayon sa Kongreso ang pag-usad ng
proseso tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi nila Leonen at Deles na kailangan ng legislation para maisakatuparan ang pagtatatag ng Bangsamoro region.

Hindi naman umano kinakailangan ng pag-amyenda sa konstitusyon upang
maging matagumpay ang peace agreement.

Maging sa pagbuo ng Bangsamoro basic law, parehong proseso ang susundin na isusulat ng mga tao pero Kongreso pa rin ang mag-aapruba.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply