Pagkontra sa dagdag sahod ng ECOP, tinuligsa

TINULIGSA ng mga manggagawa ang panawagan ng mga kapitalista sa Kongreso na itigil na ang pagdinig sa mga panukalang batas na layong itaas ang sahod.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, tila gusto pang palabasin ng Employers’ Confederation of the Philippines of ECOP na panig sa mga manggagawa ang mga batas at maging ang pamahalaan at kontra sa mga mamumuhunan.

Ito ang pahayag ng KMU matapos ipinawagan ni Edgardo Lacson, tagapangulo ng ECOP na itigil na ng Kongreso ang pagdinig sa House Bill 375 para sa isang daan at dalawampu’t limang umento sa sahod kada araw at House Bill 5110 na kontra naman sa kontraktalisasyon.

Dagdag ni Elmer Labog, tagapangulo naman ng KMU, laging isinasangkalan ng ECOP ang epekto ng dagdag-sahod sa maliitang negosyo, samantalang tahimik naman daw ito sa mga problema ng maliliit na negosyanteng dulot ng malalaking kapitalista.

Samantala, ayon kay Labog, maging ang International Labor Organization na umano ang nagsasabing ang Pilipinas ang isa sa may pinakamababang sahod sa buong mundo na pumapangatlo sa listahan na may kasaling pitumpu’t dalawang bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply