Paglabas ng bansa ni Abalos sinopla ng Sandiganbayan

HINDI pinayagan ng Sandiganbayan ang apela ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos na makalabas ng bansa.

Base sa desisyon ng Sandiganbayan 4th Division, walang dahilan para hayaan si Abalos na makalabas ng bansa kung saan hindi malinaw na nakasaad sa kanyang mosyon  ang petsa ng pag-alis at wala rin itong isinumiteng formal itinerary.

Matatandaang hiniling ni Abalos na payagan itong makapunta ng Taiwan ngayong Nobyembre upang maghanap ng fingerlings ng bangus.

napapabayaan na umano ang kanyang negosyo at kinakailangang makapunta umano siya sa Taiwan kung saan lamang natatagpuang ang fingerlings.

Si Abalos ay dawit  sa kasong poll sabotage  kasama si dating pangulong Gloria Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply