Paglagda sa Bangsamoro deal tuloy sa Lunes

HARANGAN man ng sibat ay tuloy na tuloy na ang paglagda sa Bangsamoro deal sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lunes, Oktubre 15.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa panawagan ng lokal na pamahalaan sa Zamboanga na ipagpaliban muna ang Bangsamoro deal signing dahil may ilang probisyon na hindi malinaw sa mga ito sa kabila ng hangad nila na maging matagumpay ang nasabing kasunduan.

“Kung meron pong mga probisyon na hindi po malinaw ay bukas po ‘yung ating peace panel. In fact, mula ho nung inanunsiyo ito noong nakaraang linggo ay patuloy ho ‘yung paglilibot nung ating, ‘yung mga miyembro po ng ating peace panel para magbigay po ng paliwanag at klaruhin po ‘yung mga probisyon na hindi ho malinaw doon sa iba. At bukas po tayo doon sa pagpapatuloy nung paglilinaw na iyon,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Bukod dito, nagpaliwanag na aniya ang peace panel sa pamamagitan ng isang press conference hinggil sa mga malabong mga probisyon ng Framework Agreement.

Kaugnay nito, ang paglagda sa Framework Agreement ay idaraos sa Rizal Hall sa Malakanyang ng ala-1:30 ng hapon sa nasabing araw.

Pagkatapos ng paglagda sa kasunduan ay agad na susundan ito ng press briefing sa New Executive Building kasama si Dean Marvic Leonen at MILF chief negotiator (Mohagher) Iqbal.

Sasaksihan naman ng mga civil society organization ang naturang Framework Agreement signing

Sa katunayan aniya ay inilunsad na ng mga ito ang kanilang peace caravan na tinawag nilang “Lakbay Kalinaw” na nilahukan ng 50 vehicles ng peace advocates.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply