Paglalabas ng resulta sa halalan bahala ang NTC

IPINAMAHALA na ng Commission on Elections (Comelec) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang paghahanap ng kumpanya na magbibigay ng serbisyo para sa electronic transmission ng resulta ng halalan sa May 13, 2013.

Ito’y kasunod na rin ng dalawang ulit na bigong bidding para sa naturang kontrata.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.,  matapos mabigong makahanap ng kumpaniya sa isinagawang dalawang bidding para sa kontrata ay humingi na sila ng tulong sa NTC para sa pagpasok sa isang negotiated contract.

Aniya, ang NTC na ang kumakausap sa telecommunications companies na interesadong makakuha ng naturang kontrata.

Sinabi pa ni Brillantes na sa ngayon ay nasa proseso na sila ng pakikipagpulong sa iba’t ibang Telcos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply