Paglalantad sa mga bata sa kultura ng digmaan, kinondena

KINONDENA ni Gabriela representative Emmi de Jesus ang paglalantad sa mga bata sa kultura ng gyera.

Ito ang reaksiyon ng mga kinatawan ng kababaihan matapos mailimbag kahapon sa isang pahayagan ang larawan ng mga batang hinahaayang makalapit at makahawak ng malalakas na baril ng mga dayong sundalong Amerikano.

Ang naturang insidente ay nakunan sa ginaganap na Philippine-US amphibious Landing Exercise 2013 sa lalawigan ng Cavite kung saan nakangiti pang hinahayaan ng isang marinong  sundalong Amerikano na hawakan ng mga bata ang kanyang makapangyarihang baril.

Kakatwa, ayon kay De Jesus, na ibayong binibiktima ang mga bata ng mga sundalong dayuhan habang ginugunita ngayong Oktubre ang Buwan ng mga Bata.

Dagdag ng mambabatas, ang mga bata ang isa sa mga pangunahing biktima ng mga gyera at marami sa kanila ang namamatay, napapalikas, nagugutom, at hindi nakakapag-aral dahil sa mga gyerang sinusuhayan ng gubyerno ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Nanawagan si De Jesus na sundin ng gubyerno ang pirmado nitong United States Convention on the Rights of the Child at huwag idamay ang mga bata sa kultura ng kaharahasan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply