Paglalayag ng 30 barko, pinigil dahil kay ‘Ofel’

PINIGIL ng Philippine Coast Guard (PCG) na makapaglayag ang halos 30 barko dahil na rin sa banta ng panahon dulot ng bagyong Ofel sa silangang bahagi ng Visayas.

May mga biyaheng  Negros,Iloilo, Leyte, Bohol, Dumaguete, Surigao at Ozamis City ang mga barko na hindi muna pinayagang makapaglayag.

Ayon sa PCG, ang pagpigil na makabiyahe ang nasabing mga barko ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan ang anumang posibleng aberya sa gitna ng karagatan dahil sa pananalasa ni Ofel sa bahagi ng Mindanao at Visayas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply