Paglilinis sa sementeryo, puspusan na

PUSPUSAN na ang paglilinis ngayon sa mga sementeryo para sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Ayon kay Manila City Administrator Jay Marzan, tone-tonelada na ang nailalabas na basura mula sa Manila North Cemetery bilang paghahanda sa araw ng mga patay.

Ang North cemetery ang pinakamatandang pampublikong sementeryo kaya naman aasahan na umano ang pagdagsa ng volume ng tao upang dumalaw sa kani-kanilang yumaong mahal sa buhay.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang local na pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga volunteer groups para sa itatalagang mga first aid at medical stations.

Bukod dito, maglalagay din ng police assistance, at ambulansya sa mga sementeryo na tutulong  sa publiko sa oras na makaranas ng aberya.

Una nang inihayag ng pamunuan ng North Cemetery na lilimitahan din nila ang mga bubuksan gate sa sementeryo at ipasasara naman ang mga lagusan sa mga bakod kung saan ilang mga residente sa loob ng sementeryo ay naglalagay ng mga hagdan na dagliang daanan ng mga nagsisidalaw sa kanilang puntod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply