Paglulunsad ng rebolusyon sa Mindanao, itinanggi ni Misuari

MARIING pinabulaanan ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na maglulunsad siya at ang kanyang tropa ng rebolusyon sa Mindanao.

Sinabi ni Misuari na isinusulong lamang nila ang konsepto ng Autonous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na resulta ng peace agreement ng MNLF at gobyerno noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Wala rin umanong katotohanan ang mga ulat na kumikilos ang kanyang grupo upang impluwensyahan ang pagpapatupad ng framework agreement na bubuo sa Bangsamoro political entity sa Mindanao.

Naniniwala si Misuari na may ibang grupo na nagnanais lamang silang sirain para mapasama ang kanilang imahe sa taumbayan lalo na sa gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply