Pagpapalawig sa voters registration iniapela sa SC

INIHIRIT ng Kabataan Partylist sa Supreme Court (SC) na palawigin pa ang voter’s registration na magtatapos ngayon.

Batay sa inihaing “urgent petition for certiorari and mandamus with application for mandatory injunction” ng nasabing grupo nais nilang palawigin pa ng Commission on Election (Comelec) ang pagpatala ng mga botante hanggang Enero 12 sa susunod na taon.

Sinabi ni Kabataan Partylist President. Atty Terry Ridon, ang October 31 voter’s registration deadline ay iligal at labag sa Saligang Batas.

Una nang nagpalabas ang Korte Suprema ng resolusyon noong 2009 na nagpahintulot sa 120 days ng voter’s registration bago ang halalan.

Dagdag pa nito, nagpadala na rin sila ng liham sa Comelec upang pagbigyan ang extension ng voter’s registration.

Una rito, sinabi ng Comelec na pinal nilang ipapatupad ang alas-5:00 ng hapon na deadline para sa huling araw voter’s registration.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, inaasahan nilang aabot pa sa 50 million na mga registered voters ang kanilang maitatala hanggang ngayong araw.

Una ng iginiit ng Comelec na tanging Korte Suprema lamang ang makapag-utos kung palalawigin pa ang October 31 deadline ng registration para makaboto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply