Pagpapalit ng traffic light sa MM, tuloy na

MATAPOS ibasura ng Makati City Regional Trial Court ang petisyon na isinampa ng isang “consortium” na natalo sa “bidding” sa P300 milyong proyekto, tuloy na ang pagpapalit ng “high-tech traffic signal light” sa Kamaynilaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay sa apat na pahinang desisyon ni Judge Carlito Calpatura, ng RTC Branch 145, ibinasura nito ang petisyon para sa “temporary restraining order (TRO)” na hiniling ng Abratique and Associates at First United Constructors Corp. para mai-award ng MMDA ang naturang proyekto sa ibang kumpanya.

Ayon sa huwes, nabigo umano ang consortium na maipakita sa korte na may karapatan silang nalabag sa pagdaraos ng bidding ng MMDA.  Wala umanong naipakitang ebidensya ang nagpetisyon para maipakita na kuwalipikado sila sa naturang bidding.

“Their claim that their rights will be violated if no TRO is issued is farfetched because they have not even shown that they are entitled to the award of the project,” ayon sa desisyon ng huwes.

Isinampa ng naturang consortium ang petisyon makaraang magdeklara angMMDA ng “failure of bidding” sa proyekto.

Natuwa naman si MMDA Chairman Francis Tolentino sa desisyon ng korte at iginiit na walang paglabag sa batas sa ginawa nilang bidding base sa Republic Act 9184 “Government Procurement Reform Act”.

Katuwang pa ng MMDA bilang “special adviser” ang Imperial College of London para sa “traffic signalization upgrading” sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply