Pagpaparetoke, pinabulaanan!

PINAKA-DARING na ang pictorial ang nagawa ni Georgina Wilson bilang bagong Calendar Girl ng Ginebra San Miguel ngayong 2013. Isa na siyang certified lahing Ginebra.

“Overwhelming at nakakatuwa ang maging 2013 Calendar Girl. Dinedma ko lahat ang mga rice, lahat ng mga sweets. Mahirap rin para sa akin dahil ‘yun talaga ang mga love  ko,” sabi niya niya bilang preparasyon.

Araw-araw rin siyang nag-work out at tinulungan din siya ng Belo Family niya para lalong sumeksi at ma-burn ‘yung fats niya.

Masaya naman raw ang boyfriend niyang si Borgy Manotoc nu’ng makita nito ang seksi niyang larawan. Dati naman ay nagpa-pictorial rin ng sexy si Borgy kaya naiintindihan nito ang kanyang trabaho. Pero aminado siyang mas konserbatibo si Borgy kesa sa kanya dahil mas matanda ito sa kanya.

Tinanong din si Georgina kung willing siyang makipag-inuman kay Nora Aunor after ng isyu sa kanila na nagalit ang mga Noranians dahil nag-post siya sa Twitter ng picture ng Superstar na seksing katawan at nilagay ang mukha ng Superastar.

“Yes, of course. Wala naman akong isyu riyan,” mabilis niyang sagot.

Nirerespeto raw niya si Ate Guy. Fans raw ang gumawa ng photo at hindi siya. Nai-post niya ito dahil akala niya, magiging funny lang at katuwaan. Wala raw siyang masamang intensyon. Nag-apologize na raw siya sa Superstar at kung na-offend raw niya ang mga Noranian ay humihingi siya ng paumanhin.

Wala raw siyang balak na bastusin o ma-offend ang isang institusyon sa industriya.

May balak ba siyang regaluhan ng ini-endorse niyang Ginebra si Ate Guy bilang peace offering?

“Of course,” tumatawa niyang sagot. Kung gusto raw ni Ate Guy ang naturang produkto ay willing siyang bigyan ito.

Talbog!

-0o0-

SUPER saya ang grupo nina Angelica Panganiban, Melai Cantiveros, Zanjoe Marudo, Pooh, John Prats, Jayson Gainza, Ryan Bang, atbp sa selebrasyon ng 4th anniversary ng gag show na Banana Split: Extra Scoop ng ABS-CBN 2 na napanonood tuwing Sabado, tulad mamayang gabi.

Kasabay ng selebrasyon, hindi nagdamot si Angelica Panganiban na pag-usapan ang personal niyang buhay. Aminado siyang inspired nang sobra.

Open na sila ni John Lloyd Cruz pero hindi na kailangang magdetalye.

“Palagi namang inspired, pero siyempre, may dagdag na factor yung kilig na nadadala sa ‘yo every day. Mas ginaganahan kang gumising. Mas nae-excite ka na baka may mabasa kang text — very high school, very bagets,” bulalas niya.

Aral na rin siya kung paano ang makipagrelasyon.

“Sinabi ko naman ito noon, pero tamang i-appreciate mo yung sarili mo muna para alam mo kung ano yung tamang happiness, tamang pagmamahal na deserve mo. Kasi, baka mamaya, hindi ka pala deserved ng pagmamahal na ‘yun, hindi rin kayo magkakaintindihan. Baka mamaya, kulang yung naibibigay sa ‘yo, pero ipinagpipilitan mo, di ba? “So, ngayon, mas na-appreciate ko ang sarili ko. Mas kinilala ko siya. Mas na-gets ko kung ano yung mga de- served ko. Parang nakukuha ko lang kung ano ang deserved ko and I’m so happy to say na nasa akin ang lahat. Naniniwala ako na deserve ko,” sey pa niya sa tsikahan namin sa Music Museum.

Mas wise ba siya ngayon?

“Hindi ko pwedeng sabihin yun. Hindi ko pwedeng paniwalaan na mas matalino ako. Nakatatakot ang term na yun, baka mamaya, one of these days, magsalita ako then failure na naman. Ang masasabi ko lang, hope ang meron ako at positivity.”

‘Yeah ba!

-0o0-

PINABULAANAN ni Ervic Vijandre ang balitang nagparetoke siya ng ilong.

May mga nakapansin kasi na tila nag-iba ang hitsura niya at mas lalong gumuwapo.

“Wala! Wala. May nabago ba? Takot ako sa surgery e. At tsaka, e di sana pinatangos ko na ng todo,” tumatawa niyang pahayag.

“Wala, happy na ako kung ano’ng meron ako. Gusto ko kasi kapag nagkaanak ako kamukha ko, e. Pag nagpaayos ako e di hindi ko na kamukha ang magiging anak ko.”

Kung sakali, okay ba sa kanya na magpaayos, at aaminin ba niya?

“Oo wala namang masama run, kumbaga kung meron aaminin ko.”

Consistent rin siya sa pagsasabing wala siyang girlfriend kahit nali-link pa rin siya kay Rich Asuncion.

“Wala nga, wala talaga.”

“We’re good friends. Kasi iyon nga kagaya ng sinabi ko before na siguro mas okay kami as friends na lang.

“Hindi  kami magkagalit, magkasama kami sa show, sa Aso Ni San Roque. At lagi pa rin kaming tinutukso sa show,” deklara niya.

Talaga lang ha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply