Pagpapatupad ng Cybercrime Law, pinigil ng SC

PINIGILAN ng Supreme Court ang pagpapatupad ng kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act.

Ito ay matapos maglabas ng temporary restraining order via unanimous vote ang SC en banc

Sa 15 petisyong inihain sa SC, kwestiyonable umano ang ilang probisyon ng batas dahil nilalabag nito ang freedom of expression, due process, equal protection, right to privacy and correspondence at right to unreasonable searches and seizures.

Kabilang sa mga inirereklamong probisyon ng nasabing grupo ay ang Section 4 hanggang  8 at Section 11, 12, 13, 15, 17, 19, 20, 21 at 22.

Nakasaad sa nasabing mga probisyon ang pag-criminalize sa libel sa internet, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga awotoridad na mangalap, sumuri, mangumpiska at magsara ng mga computer data, at ang pagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na harangin ang access sa computer data na may prima facie o hayag na ebidensyang paglabag sa probisyon ng nasabing batas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply