Pagpasa sa anti-disappearance bill welcome sa DOJ

ITINUTURING ng Department of Justice na welcome development ang pagkakapasa ng dalawang sangay ng Kongreso sa Anti-Enforced Disappearance Bill.

Sa isang pahayag, itinuturing ni De Lima ang naging hakbang ng Kongreso bilang isang magandang pangyayari sa aspeto ng pagtataguyod ng karapatang pantao.

Layunin ng nasabing panukala na parusahan ang mga nasa likod ng sapilitang pagkawala.

Sinabi ni De Lima na isang malaking tagumpay para sa mga pamilya ng mga tinatawag na “desaparecidos” ang nasabing panukala na kauna-unahan sa Asya.

Ang Anti-Enforced Disappearance Bill ay nakatakda pa lamang lagdaan ni Pangulong Aquino para maging ganap na batas.

Sa ilalim ng panukala, habang buhay na pagkabilanggo o reclusion perpetua ang ipapataw na parusa laban sa mga mapapatunayang sangkot sa insidente nang sapilitang pagkawala, habang ang mga biktima at ang kanilang mga kaanak ay makatatanggap naman ng kompensasyon at rehabilitasyon.

Ipagbabawal na rin ang pag-iisyu ng “orders of battle” sa militar at pulisya o sa alinmang law enforcement agency para mabigyang katuwiran ang involuntary disappearance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply