Pagpasa ng K+12 program, minamadali

MINAMADALI ang pagpasa ng panukalang batas para sa programang pang-edukasyon na K+12 ng gubyernong Aquino.

Ito ang himutok ni ACT Teachers Party representative Antonio Tinio matapos pumasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6643, o ang Revised Basic Education Reform Act of 2012.

Ayon kay Tinio, hindi pa naman napapatunayan ng mga tagapag-sulong ng panukala na may sapat nang preparasyon para rito at gagastusan na ito ng tama ng pamahalaan.

Sinabi ng kinatawan ng mga guro na labis-labis pa rin ang kakulangan sa mga silid-aralan, guro, libro at iba pang rekisito kung kaya masyado pang maaga upang apurahin ang panukalang batas.

Isiniwalat din ni Tinio na walang binabanggit ang panukalang batas kung kailan makukumpleto ang rekisito para sa K+12.

Malinaw, dagdag pa ng mambabatas, na inihahabol na lamang ang HB 6643 dahil inilunsad na ng pamahalaang Aquino ang K+12 kahit wala pa itong enabling law na tanda rin ng kakulangan ng angkop na paghahanda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply