Pagpasa sa pinalawig na Anti-trafficking in Persons Act, ikinatuwa ng DOJ

IKINATUWA ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT ang posibilidad na maari nang mailantad sa publiko ang pagkakakilanlan ng mga akusado sa kaso laban sa Human Trafficking Act.

Ito ay matapos mabatid ng IACAT na inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2625 o ang Expanded Anti-trafficking in Persons Act.

Naniniwala si Justice Undersecretary Vicente Salazar, ang namumuno sa IACAT, na magbibigay daan ang ginawang hakbang ng Senado para mapaigting ang paglaban ng gobyerno sa mga elemento ng human trafficking.

Sa ilalim ng panukala, paparusahan ang mga nagtatangka na maging sangkot sa human trafficking.

Inaalis din sa panukala ang tinatawag na confidentiality clause na tinatamasa ng mga akusado.

Ibig sabihin, sinuman na magbubunyag ng pagkakakilanlan ng mga respondent sa human trafficking ay hindi na papatawan ng anumang kriminal na pananagutan.

Iginiit ni Salazar na kapag tuluyang naisabatas ang panukala, mapipigilan na rin ang posibleng pagkakasangkot ng mga kawani ng gobyerno sa mga human trafficking activities gaya ng pag-eescort at
pag-iisyu ng mga pekeng certificate.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply