Pagpatay sa pamilya ng anti-mining leader pinaiimbestigahan

NANAWAGAN ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)  sa pamahalaan na imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa pamilya ng isang anti-mining leader sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato, kung saan ang mga militar at miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sinasabing may kagagawan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP- National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), dapat imbestigahan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang krimen.

Dapat rin aniyang matigil ang pagggamit ng mga mayayamang mining companies sa militar upang protektahan ang kanilang negosyo sa halip na isaalang-alang ang kapakanan at karapatan ng residente sa Tampakan.

“Yung pinatay sa Cotabato, yung pamilya ng lider ng mga B’laan na pinatay, human rights yun, pinatay ng mga sundalo ang babae buntis pa, ang mga bata at sinasabi ng mga sundalo yan ay mga NPA, kaya yan ay dapat imbestagahan ng militar at dapat itigil na ang problema dito na ginagamit ang mga militar ng mga mining companies na nagiging security nila,” ani Pabillo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Nakalulungkot na ang ating militar sa halip na ipagtanggol ang mga Filipino, ang mga maliliit, ang mga ipinagtatanggol ay yung mga dayuhan at yung mga mayayaman, hindi tama yun,” dagdag pa ng Obispo.

Matatandaang sinabi ng Philippine Army 27th Infantry Brigade na nagkaroon ng encounter sa pagitan nila at mga NPA, na nagresulta sa pagkakasawi ng buntis na maybahay ni Daguil Capion, at dalawang anak nito na nagkakaedad lamang ng walo at 13 taong gulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply