Pagsabog sa San Juan, hindi konektado sa Bangsamoro

MARIING nilinaw ng mga awtoridad na walang kinalaman sa gaganaping pirmahan ng framework ng Bangsamoro sa pagitan ng gobyerno ni Benigno Aquino at ng Moro Islamic Liberation Front  ang nangyaring pagsabog sa San Juan.

Ito ang binigyang diin ni Eastern Police District Head Superintendent Miguel Laurel matapos na sumabog ang isang granada sa Bonaventure Building sa harap ng Greenhills Shopping Center.

Ayon kay Laurel, ito ay isang isolated case at walang kinalaman sa usapin ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Naganap ang pagsabog dakong ala-1:00 ng madaling araw sa mismong harap ng naturang building.

Nagkaroon ng maliit ng crater habang basag naman ang mga glass door at glass panel dahil sa lakas ng pagsabog.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang tukuyin ang motibo at salarin sa likod ng insidente

Sinabi ni Laurel, director ng Eastern Police District, na kumpirmadong granada ang sumabog dahil sa na-recover na safety pin sa lugar ng insidente.

Hindi pa makumpirma kung anong klaseng granada ang pinasabog sa labas ng tanggapan ng LK Holdings, na nasa Ortigas Center, kaharap lamang ng Greenhills Shopping Center.

Hindi pa rin matukoy ng mga pulis ang motibo ng pagpasabog, at kung bakit sa harap ng LK Holdings ito nangyari.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply