Pagsala sa senatorial candidates sinimulan na

PORMAL nang nagsimula ngayong araw ang pagsasala ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nuisance candidates o panggulong kandidato mula sa listahan ng mga aspiring senatorial candidates na naghain ng kanilang kandidatura para sa May 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hinati sa dalawang batch ang 57 aspiring senatoriables na inimbitahan ng Comelec para sa panayam na itinakda ngayon hanggang ngayong araw.

Unang isinalang ang kalahati ng naturang bilang ngayon habang ang natitirang iba pa ang kakapanayamin ng mga Comelec commissioner bukas, Biyernes.

Sinabi ni Jimenez na layunin ng naturang interview na matukoy kung sinu-sino sa mga aspiring senatoriables ang maaaring payagang ituloy ang kandidatura at tukuyin na rin kung sino sa kanila ang nuisance o panggulo lamang.

Aalamin din umano nila kung may kakayahan ba ang mga ito na makapaglunsad ng nationwide campaign, kung ano ang layunin kung bakit sila naghain ng COC sa pagka-senador, at plataporma kung mayroon man.

Nagkaroon din umano ng kaunting evaluation sa pagkatao ng mga aspiring candidates tulad ng estado ng kanilang pag-iisip.

Sinabi pa ni Jimenez na bagama’t hindi naman gaanong mabigat ang aspeto ng pinansyal na kakayahan ng mga nais tumakbong senador ay titingnan pa rin ito ng Comelec, gayundin ang mga non-financial aspects tulad ng network, kakilala, kaibigan o supporter ng mga ito.

Samantala, sa unang araw nang pagdinig kahapon ay kani-kaniya namang pakitang gilas ang mga aspiring candidates.

Nagmistula rin naman umanong parang isang beauty contest ang pagdinig, kung saan isa-isang tinawag ang mga kandidato at pinatayo sa podium sa gitna ng session hall ng Comelec para sagutin ang katungan ng mga miyembro ng Comelec en banc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply