Pagsasaligal ng prostitusyon sa Pinas tinutulan

TUTOL si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa panukala ng United Nations na gawing ligal ang prostitusyon sa Pilipinas para maiwasan ang pagkalat ng HIV-AIDS infections.

Ayon kay Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), lalo lamang lalaganap ang “promiscuity” sa Pilipinas, at lalong lalala ang imoralidad sa bansa, gayundin ang pagdami ng kaso ng HIV/AIDS infection.

Nagpahayag rin ng pangamba si Pabillo dahil tiyak aniyang mawawala na rin ang pagiging banal at sagrado ng human sexuality kapag ligal na ang prostitusyon bukod pa sa sisirain nito ang mga pamilyang Pinoy.

Iginiit pa ni Pabillo na ang usapin ng prostitusyon ay hindi lamang isyu sa paglaganap ng sakit na HIV-AIDS kundi ang mababang pagtingin sa pakikipagrelasyon o “promiscuity”.

“Hindi tama ang kanilang premise na kapag ma-legalize ang prostitusyon ay mai-iwasan ang sakit na HIV-AIDS. Kahit sa ibang bansa na ligal ito ay laganap pa rin ang HIV-AIDS at mas malala pa yung promiscuity. Kasi ang problema ng mga pananaw lalo na ng UN ay hindi nakikita yung values.Yung behavior ng mga at sa ating paninindigan sa Simbahan ay palaging behavior change na pagpapahalaga sa sexuality, buhay at sa katawan ng tao dahil hindi lang yan pagmumulan ng sakit kundi yung magbago ang pananaw at pagkilos, yan ang panawagan natin,” ani Pabillo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Ang tunay na karapatan ng mga kababaihan ay bigyan sila ng marangal na trabaho at ang prostitusyon ay hindi isang marangal na trabaho,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply