Pagsasanib pwersa ng MILF at MNLF, inasahan ng pamahalaan

MALAKI ang pag-asa ng pamahalaan na magkakaroon ng alyansa ang Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front (MNLF) para makamit ang tunay na kapayapaan..

Ayon kay Dean Marvic Leonen, chairman ng Government Peace Panel, inaasahan ang pagsasanib puwersa ng dalawang grupo kahit pa isang political organization ang MNLF habang rebeldeng grupo ang MILF.

Aminado si Leonen na tuluyang makakamit ang kapayapaan sa Mindanao kung magsasanib pwersa ang dalawang grupo.

Gayunman, sinabi ng government chief negotiator na nasa kamay na ng MILF ang desisyon kung nais nitong makipag-alyansa sa MNLF.

Una nang binatikos ni dating MNLF Chairman Nur Misuari ang Framework Agreement sa pagsasabing lalo itong magbubunsod ng karahasan sa Mindanao.

Giit ni Misuari, indikasyon din ito na ibinabasura na ang 1976 Tripoli Agreement at Final Peace Agreement sa pagitan ng pamahalaan at MNLF.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply