Pagsasapribado ng mga gov’t hospital, tinuligsa ng kababaihan

KINONDENA ngayon ng Gabriela Partylist ang diumano’y tuwirang pag-aabandona ni Pangulong Aquino sa kapakanan ng mga kababaihan.

Ang grupo ng kababaihan ay nagsagawa ng protesta ngayon sa Lung Center of the Philippines, National Kidney Institute at Philippine Heart Center upang tutulan ang planong pagsasapribado ng nabanggit na mga pampublikong ospital.

“Inilalagay ng patakarang pangkalusugan ng pamahalaang Aquino ang aming mga pamilya sa tiyak na kapahamakan at sa bingit ng kamatayan. Ang patakarang Public Private Partnership, corporatization at ang pagkakait ng badyet sa serbisyong pangkalusugan ay mistulang si kamatayan na hihila sa amin sa hukay,” ayon kay Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan.

Sumama si Ilagan sa protesta dahil marami na, aniyang, public hospitals ang pumayag na manghimasok ang pribadong negosyo at multinationals dahil patuloy na bumababa o lumiliit ang pondong ipinagkakaloob ng gobyerno.

Sa ganitong proseso, aniya, lalong lumalaki ang mga dapat bayaran sa nabanggit na mga ospital kahit ang pasyente ay isang “indigent.”

“This is already evident in the discrepancies of laboratory charges between public hospitals and corporatized hospitals like the PHC and NKTI.”

Bukod sa Kamaynilaan, kasabay ding nagprotesta ang mga kababaihan sa Iloilo at Davao.

“As we commemorate the National Women’s Day of Protest, we are raising the alarm as we continue to see the Aquino government’s total abdication of its responsibility to ensure the people’s right to healthcare. We will continue to protest and demand for women’s right to free access to appropriate primary healthcare,” giit pa ni Ilagan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply